Matagal na talaga niyang gusto si Marla, yun nga lang masyado siyang mahina upang umamin, lalo na kung ang magiging kinalabasan ay masaklap. Siya ang uri ng taong gugustuhin mong maging syota, ang problema lang sa kanya, may pagka-negatibo siya kung mag-isip. Napapansin naman siya ni Marla, at sa katunayan ay mabuti silang magkaibigan. Sa tingin niya kasi ay hindi siya gusto nito kaya umiiwas na lang siya sa bugso ng kanyang puso.

Minsan, habang nagkakatuwaan ang tropa, isa sa amin ang nagsabi sa kanya na ligawan na niya si Marla. Nanahimik kaming lahat sabay, naghiyawan na isa-isa. Sa sobra atang pressure, pumayag din siya. Kinabukasan nakita na naming siya nagla-lunch kasama si Marla. Ang bilis niyang nakaporma, at sa tingin ko wala naming magiging problema.

Pagkatapos ng isa’t kalahating buwan, umamin na siya kay Marla. Ngunit hindi naman masama dahil hindi naman siya nabasted. Ayaw raw muna ni Marla na magkaroon ng boyfriend dahil hindi pa sila guma-graduate ng college. At isa pa ay parang kapatid na raw ang turing ni Marla sa kanya, kaya ayaw rin niyang dahil roon ay magkalayo sila ng loob.

186 words
Dianne Milioga
 


Comments




Leave a Reply