Bakit ang mga tao minsan hindi nagtitiwala sa kanilang instinct. palaging may second thought, parang walang tiwala sa sarili. Tulad na lang ng kaibigan ko na hindi natanggap sa isang job interview dahil binago niya ang sagot niya sa nag-iinterview, naguluhan daw siya, pero sa tingin ko tama naman yung una niyang naisip.

Ako ay nagta-trabaho sa isang magazine sa halos pitong taon. Kung tutuusin matagal na ako sa posisyon ko dahil yung iba kong kasabayan ay na-promote na. At ako ay naghihintay lang at pinagiigihan pa ang trabaho, pero hindi naman ako nagsasawa sa ganitong trabaho at mahal ko ito. Marami-rami ang aking trabaho ngayong araw, nasa taiping ako ng isang pelikula upang ma-interview ang director nito at ang mga artista, at maghabol pa sa deadline ng isa pang article na ginagawa ko.

Pauwi na ako ng bahay, at kanina ko pa napapansin na maya’ t maya ako kung tanungin ng mga kasama ko kung ayos lang ako. Namumutla raw ako at tulala, mukhang napagod talaga ako sa pag-iinterview. Pero isa lang talaga ang umiikot at kinukulit ng konsensya ko sa isip ko… ano kayang mangyayari kung tinaggap ko ang offer ng director at iwan ang mahal kong trabaho?

200 words
Dianne Milioga
 


Comments




Leave a Reply