Pagsusuring Pampanitikan

Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia

        I.            Panimula

Ang panitikang susuriin ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan at problema lamang. Ang maikling kwento ay may limang uri, ito ay ang trahedya, komedya, satira, romansa at realismo.

      II.            Pormalistiko

A.      Buod

May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.

Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drowing lamang

B.      Mga Elemento

1.        Paksa- tungkol ito sa pakikipagkapwa ng isang batang babae sa kanyang mga kaklase gamit ang pagsisinungaling.

2.       Tagpuan- sa eskwelahan at bahay ng batang babae

3.       Tauhan

·         Batang Bababe- protagonist sa kwento, nagsinungaling

·         Ina ng batang babae- tauhang lapad sa kwento.

·         Mga Kaklase ng batang babae- mga tauhang bilog sa kwento.

4.      Banghay

a.       Panimula

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.

b.      Saglit na Kakintalan

Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kanyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.

Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kanyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kanyang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.

c.       Papataas na Aksyon

Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kanyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at paalong sasabihin sa kanya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.

d.      Kasukdulan

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina. Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa ang kanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”

Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”

Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap.

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang malarawa ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kanyang putting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.

e.      Pababang Aksyon

Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.

f.        Wakas

Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa  pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.

Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

g.      Tunggalian

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa lipunan dahil sa panghuhusga ng mga kaklase ng batang babae sa kanya.

5.       Paningin- ang paningin sa kwento ay nasa third person.

 

    III.            Teoryang Pampanitikan

A.      Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na ginagamit ng isang manunulat bilang paksa o paraan upang isulat ang isang akda. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng teoryang pampanitikan.

1.        Teoryang Pormalistiko- ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

2.       Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon pa ra sa kanyang sarili na siyang nakasentro sa pananatili sa mundo.

3.       Teoryang Romantisismo- ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.

4.      Teoryang Realismo- ang layunin ng teoryang realismo ay ipakita ang mga karanasan, ipakita ang mga nasaksihan ng may akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.

5.       Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.

6.      Teoryang Bayograpikal- naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang naranasan at nakikita sa kanyang paligid.

7.       Teoryang Feminismo- ito’y teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng kalalakihan hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan.

8.      Teoryang Queer- kung ang babae ay may feminismo at ang mga nasa lipunan na homosexual ay may queer (gender and sexuality).

9.      Teoryang Historikal- ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog.

10.    Teoryang Markismo-Feminismo- ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan ng pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.

 

B.      Ang aking gagamitin na teoryang pampanitikan sa pagsusuri ay ang Teoryang Markismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumaagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

C.      At gaya ng sa kwento, gumawa ng paraan ang batang babae ng paraan upang maiwasan ang panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase. Siya ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase upang hindi na siya tuksuhin ng mga ito. Kahit na masama ang kanyang pamamaraan, nagtagumpay naman siyang makuha ang respeto at tiwala ng kanyang mga ka-eskwela.

    IV.            Reaksyon

Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad sa ibang kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa ng mga bagay na masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos at mahusay, madali itong makakuha ng pansin ng mga mambabasa.


Dianne Milioga
 


Comments

Larah D. Liwanag
02/02/2013 11:06pm

Maraming salamat sa mga impormasyon na nailahad mo :)
nakatutuwang basahin at pag - aralan.
Nakatulong ito para sa aking pag - aaral. ^^

GOD BLESS !

*LHA <3

Reply
ana
07/01/2013 5:18am

tama kayo nakakadagdag din sa mga kaalaman natin.

Reply
09/14/2013 5:01am

.. Nakatulong tlaga sa akin ang impormasyon ! Maraming salamat sna magpatuloy ka pah ..

may GOD BLESS you :*

Reply
leah
06/21/2013 4:45am

hi

Reply
stephanie
07/01/2013 7:16pm

wow............. ang ganda naman ng story naka 2long pa sa ass. ko thank you ah god bless nalang poe sa gumawa o gumagagawa ng kwento i love it taegggggggga.......

Reply
dayta myla
06/22/2013 11:35pm

ang ganda po ng kwento piling ko po nandoroon ako salamat po dahil kayo po ang naging espirasion ko at ng kabataan namakakabasa nito

Reply
Lloyd
06/30/2013 2:54am

ano po ang mensahe ng may akda?

Reply
R.J
07/13/2013 11:42pm

ipinapahayag nito na di dapat sawayin o tuksuhin ang mga taong mas mababa sa inyo at dapat natin silang kaawaan at tulungan.....
.
.
.
./
.
....yun lang po sana maintindihan niyo first time ko pa lang nito ehhh.........
.
.
.
.hahahaha <:]]]]><

Reply
MISSIE
06/30/2013 11:05pm

THANK YOU

Reply
syrill
07/02/2013 5:47am

mamatz sa idea..

Reply
Danica
07/03/2013 2:19am

Yess May IRerePort na kame.. Thanks sa Gumawa nito ahh! :D

Reply
drew
07/04/2013 11:10pm

astig,may kodigo n k

Reply
07/05/2013 4:58am

iba pa

Reply
07/07/2013 9:50pm

corny

Reply
07/07/2013 10:04pm

anong corny
baka ikaw yung corny

Reply
07/07/2013 10:06pm

ulol

Reply
07/09/2013 7:11am

ano po ung mensahe nyo??

Reply
07/13/2013 12:27am

ano po ba ung (mensahe) ng kwento at (paalala upang tuluyan ng mawala ang di pantay na pag tingin sa kapwa)??? gagawa po kac kami ng bookmark..ilalagay pu namin iyon..pls..tnx

Reply
Dianne Milioga
07/21/2013 6:55pm

Minsan ang mensahe ay depende sa pagkakaintindi ng mambabasa.

Reply
Alyssa Ashley Vallestero
07/25/2013 3:10am

LikE it!!

Reply
07/27/2013 2:18am

hala ..... ka....

Reply
reggie juntilla
07/13/2013 11:44pm

pareho pala tayo!!!!!!!! :) :)

Reply
07/27/2013 8:11pm

... sana may mga larawan // :(

Reply
ced
07/28/2013 6:50am

ano ung nilalaman ng mga pangyayari?

Reply
08/03/2013 5:24pm

MAY KOPYA NA AKO

Reply
trisha mae (karen)
09/14/2013 10:59pm

bongga
ang galing

Reply
09/27/2013 6:19pm

thank you po...nakatulog po sa project q...nice!!!

Reply
fercy
12/26/2013 1:33am

Nakaka touch tagala....sana wala ng taong manglait ng kapwa...sana may awa kayo sa inyong kapwa dahil hindi lahat ng panahon lagi kayong nasa mataas...

Reply
mikee
01/23/2014 1:24am

Wow!! Grabe ... Im proud to be pnoy na pnoy

Reply



Leave a Reply