Harmless

01/26/2013

0 Comments

 
Masayang naglalaro ng paborito kong sports. Palayuan ng lipad ng bola at masayang nakikipagpustahan sa mga kalaro ko, at ayun! Pumasok ang bola! Anung masama doon, nang biglang pagkatira ko, boom! Nagkamali ako ng tira at napunta sa ibang lugar ang bola. Agad akong sinugod ng may-ari ng kotse kahit na may pulis namang nakakita, handa akong bayaran ang aking napinsala, siya lang itong over acting, palibhasa'y dati pa kaming may iringan, pero buti nga sa kanya!

At ngayon, nandito ako ngayon sa isang lugar na hindi mo aakalaing dapat kong kalagyan at gusto mong mapuntahan. Nakaupo sa isang sulok at umaaktong may inoobserbahan ang isang maliit na bagay, nagpapakadalubhasa sa wala. Hindi ko naman kasi sinasadya, kung tutuusin ako pa nga ang kawawa.

120 words
Dianne Milioga
 
 
Bakit ang mga tao minsan hindi nagtitiwala sa kanilang instinct. palaging may second thought, parang walang tiwala sa sarili. Tulad na lang ng kaibigan ko na hindi natanggap sa isang job interview dahil binago niya ang sagot niya sa nag-iinterview, naguluhan daw siya, pero sa tingin ko tama naman yung una niyang naisip.

Ako ay nagta-trabaho sa isang magazine sa halos pitong taon. Kung tutuusin matagal na ako sa posisyon ko dahil yung iba kong kasabayan ay na-promote na. At ako ay naghihintay lang at pinagiigihan pa ang trabaho, pero hindi naman ako nagsasawa sa ganitong trabaho at mahal ko ito. Marami-rami ang aking trabaho ngayong araw, nasa taiping ako ng isang pelikula upang ma-interview ang director nito at ang mga artista, at maghabol pa sa deadline ng isa pang article na ginagawa ko.

Pauwi na ako ng bahay, at kanina ko pa napapansin na maya’ t maya ako kung tanungin ng mga kasama ko kung ayos lang ako. Namumutla raw ako at tulala, mukhang napagod talaga ako sa pag-iinterview. Pero isa lang talaga ang umiikot at kinukulit ng konsensya ko sa isip ko… ano kayang mangyayari kung tinaggap ko ang offer ng director at iwan ang mahal kong trabaho?

200 words
Dianne Milioga
 
 
Matagal na talaga niyang gusto si Marla, yun nga lang masyado siyang mahina upang umamin, lalo na kung ang magiging kinalabasan ay masaklap. Siya ang uri ng taong gugustuhin mong maging syota, ang problema lang sa kanya, may pagka-negatibo siya kung mag-isip. Napapansin naman siya ni Marla, at sa katunayan ay mabuti silang magkaibigan. Sa tingin niya kasi ay hindi siya gusto nito kaya umiiwas na lang siya sa bugso ng kanyang puso.

Minsan, habang nagkakatuwaan ang tropa, isa sa amin ang nagsabi sa kanya na ligawan na niya si Marla. Nanahimik kaming lahat sabay, naghiyawan na isa-isa. Sa sobra atang pressure, pumayag din siya. Kinabukasan nakita na naming siya nagla-lunch kasama si Marla. Ang bilis niyang nakaporma, at sa tingin ko wala naming magiging problema.

Pagkatapos ng isa’t kalahating buwan, umamin na siya kay Marla. Ngunit hindi naman masama dahil hindi naman siya nabasted. Ayaw raw muna ni Marla na magkaroon ng boyfriend dahil hindi pa sila guma-graduate ng college. At isa pa ay parang kapatid na raw ang turing ni Marla sa kanya, kaya ayaw rin niyang dahil roon ay magkalayo sila ng loob.

186 words
Dianne Milioga