Pagsusuring Pampanitikan

Suyuan sa Tubigan

I. Panimula

Ang panitikang susuriin ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan at problema lamang. Ang maikling kwento ay may limang uri, ito ay ang trahedya, komedya, satira, romansa at realismo.

II. Pormalistiko

A. Buod

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.

B. Mga Elemento

1. Paksa- tungkol ito sa mga kayang gawin ng isang tao para makuha ang kanyang minamahal.
2. Tagpuan- sa tubigan; Bukid.
3. Tauhan
· PILANG: Dalagang pamangkin ni KA ALBINA. Pinsan ni NATI. Mahiyain at maganda.
· PASTOR: Binata. Isa sa mga magsusuyod sa tubigan ni Ka Teryo. May gusto kay PILANG.
· ORE: Binata. Anak ni Ka Inso. Isa sa mga magsusuyod. May gusto kay Pilang.
· KA ALBINA: Tiya ni PILANG at ina ni NATI.
· MILYO: Binata. Malapit na kaibigan ni ORE.
· PAKITO: Binata. Malapit na kaibigan ni PASTOR.
· FILO: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
· TONING: Binata. Kaibigan ni ORE.
· ASYONG: Binata. Kaibigan ni ORE.
· TINONG: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
· KA IPYONG: kamag-anak ni Ka Teryo at KA ALBINA.
· FERMIN: anak ni KA ALBINA at Ka Teryo. Kapatid ni NATI. Pinsan ni PILANG. May-asawa
· KA PUNSO: Isa sa mga pinakamatanda. Ginagalang ng mga kasama. May-asawa.

4. Banghay

a. Panimula

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.

b. Saglit na Kakintalan

Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kanyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.

Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kanyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kanyang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.

c. Papataas na Aksyon

Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kanyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at paalong sasabihin sa kanya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.

d. Kasukdulan

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina. Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa ang kanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”

Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”

Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap.

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang malarawa ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kanyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kanyang putting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.

e. Pababang Aksyon

Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.

f. Wakas

Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa  pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.

Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

g. Tunggalian

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao dahil magkaribal sina Pastor at Ore sa puso ni Pilang.

5. Paningin- ang paningin sa kwento ay nasa third person.

 

III. Teoryang Pampanitikan

A. Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na ginagamit ng isang manunulat bilang paksa o paraan upang isulat ang isang akda. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng teoryang pampanitikan.

1. Teoryang Pormalistiko- ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

2. Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon pa ra sa kanyang sarili na siyang nakasentro sa pananatili sa mundo.

3. Teoryang Markismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumaagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

4. Teoryang Realismo- ang layunin ng teoryang realismo ay ipakita ang mga karanasan, ipakita ang mga nasaksihan ng may akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.

5. Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.

6. Teoryang Bayograpikal- naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang naranasan at nakikita sa kanyang paligid.

7. Teoryang Feminismo- ito’y teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng kalalakihan hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan.

8. Teoryang Queer- kung ang babae ay may feminismo at ang mga nasa lipunan na homosexual ay may queer (gender and sexuality).

9. Teoryang Historikal- ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog.

10. Teoryang Markismo-Feminismo- ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan ng pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.

 

B. Ang aking gagamitin na teoryang pampanitikan sa pagsusuri ay ang Teoryang Romantisismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan.

C. Romantisismo dahil ang kwento ay tungkol sa pag-iibig ng dalawang lalaki sa isang babae na kung saan ay nagpagalingan sila upang makuha ang loob ng babae. Nagpapakita ito ng katangiang pagiging pursigido dahil nagpamalas sila ng kanilang kakayahan at katangian upang makuha ang loob ni Pilang.


IV. Reaksyon

Nakakatuwa ang kwentong ito dahil sa pamagat pa lang ay nakakakuha na agad ito ng maraming mamababasa at mahusay rin ang pagkakaulat rito.

7/8/2013 02:28:50 pm

ang panget naman nang istoryang ito parang pang bading parang ako lang yan ah

Reply
8/4/2013 10:31:21 pm

haha?? nag reaact ang bakla ..

Reply
Bill Budiongan
7/9/2013 03:12:44 pm

Kami po ni Miguelle MAriano ang gumagawa ng mga comment tungkol kay keith adecer at mga bakla po kami\

Reply
Miguelle Mariano
7/9/2013 03:13:31 pm

totoo yan BONGGA na BONGGA!!!!

Reply
Keith Nicolas Tena Adecer
7/9/2013 03:13:37 pm

Bonggang-Bongga ang kabadingan ko. Natira na ako sa school!

Reply
Keith Nicolas Tena Adecer
7/9/2013 03:13:43 pm

Ngayon ko lang to naramdaman na may gusto ako sa mga lalaki . Bakla talaga ako

Reply
Keith Nicolas Tena Adecer
7/9/2013 03:16:46 pm

Please! Paki pag kalat po please! Post nyu sa FB

Reply
Keith Nicolas Tena Adecer
7/9/2013 03:17:21 pm

Inaamin ko po sa inyu lahat nang nakababasa netong mga comment na to . na ako po talaga nag imbento para lng siraan ang akin mga kaibigan paumanhinpo pero bakla ako

Reply
Dianne Milioga
7/21/2013 11:49:36 am

Hindi ko po ginawa ang website na ito upang lagyan ng comment na walang koneksyon sa naka-post. Sana po isipin niyo kung ano ang inyong ilalagay

Reply
11/1/2013 09:34:54 pm

hindi kayo marunong mag pahalaga sa likhang sining a pilipinas . kung pakasusuriing mabuti ng kwentong ito ay isa sa mga magandang obra na nananatili sa kasaysayan ng ating bansa

9/6/2015 06:03:32 am

err... bakit ang gulo?! Paano napunta ang banghay ng Isaang Daang Damit dito sa Suyuan sa Tubigan?

FAFAFA
8/16/2013 08:56:53 pm

ANG CHAKA

Reply
8/21/2013 08:25:57 pm

Thank you po sa gumawa nito, ang laking tulong nito sa akin. Hindi ko po kasi masyadong maintindihan ang nakalagay sa libro dahil may mga words dun na medyo malalim. Sa pamamagitan nito, mas naintindihan ko po yung kwento at nakasagot po ako ng maayos sa assignment ko. :-)

Reply
juniebertrubio
9/19/2013 10:18:08 am

ang ganda kaya

Reply
Ruellyn Ortega
9/23/2013 10:03:10 pm

thank you very much . this help me much!

Reply
johnpaulceniza
9/30/2013 10:43:36 am

whooo may project na ako ^^

Reply
Ivy
1/4/2014 06:52:08 pm

anu anong mga tayutay ang ginamit sa kwento??

Reply
Ivy
1/4/2014 06:54:25 pm

paki sagot poh.. kailangan ko po talaga

Reply
taena
1/28/2014 05:37:33 pm

ang panger ng nag cooment

Reply
Janet Licayan
2/10/2014 08:28:34 pm

Maganda ang kwento. Isa din akong manunulat ng mga kwento. Hindi biro ang gumawa ng kwebto. Respeto sa may akda yun lamang po.

Reply
Ivy
2/22/2014 01:15:17 pm

inuulit ko po, anu ano pong mga tayutay ang ginamit sa kwento??

Reply
EYA:)
6/29/2014 09:50:41 pm

Ano po yung aral ng kwento :) salamat po

Reply
lencie
8/3/2014 10:44:22 pm

thankyou very much :) nakatulong po ito salamat

Reply
yesha
9/10/2014 07:37:32 pm

tama naman ang nais ipahiwatig sa kwento .. dito din natin maitatanto na ang kahirapan ay hindi dapat ikahiya, kundi gamitin ito na insperasyon upang tayoy magsikap at kumayud upang tayo'y makaahon sa kahirapan na ating ikinakaharap. :).

Reply
Ashley
9/19/2014 08:31:38 pm

Mali po ung banghay. Sa kwentong "Sandaang Damit" po iyon. :)

Reply
fffff
9/23/2014 10:58:57 pm

oo nga ee bobo gumawa ok na sana

Reply
confused
9/30/2014 01:12:00 pm

Question po sa Author nito: Bakit po nagkaroon ng story shifting sa Banghay part? I mean, this is kind of confusing. Why did you not stick to the original story? Did you just make it up to relate and further explain yout understanding about the story itself? I was about to use your article as one of my sources but I'm quite confuse. I hope you could answer my questions. Thank you. :)

Reply
Kellyyy
5/25/2023 04:56:42 am

Pinagsunod sunod ang elemento ng tula

Reply
gavz
5/19/2015 10:22:19 am

iba yung banghay..-.- mga shunga

Reply
irish charlotte
6/23/2015 11:27:27 am

talaga bang mahaba ang buod nito? parang kwento na rin yata eh?? ask ko lang po

Reply
Makise Kurisu
11/25/2015 06:06:51 pm

Bakit ganito ang mga comments na natagpuan ko dito? Umaasa akong makakatagpo ako ng higit na intelektwal na mga reaksyon ngunit parang puro kababawan lamang ang aking nakita. :(

Reply
1/4/2016 05:39:08 am

the story of suyuan sa tubigan was good but in this case why the banghay is about Sandaang Damit?

Reply
jiieem
2/19/2016 04:48:37 pm

Maaari ko po bang malaman ang full name niyo? para sa citation sana para iwas plagiarism :3 salamaaat po

Reply
Miss g
12/11/2016 08:25:43 am

Why it is???? Bat iba ang banghay nia""""?

Reply
Tae
2/19/2017 03:25:42 pm

Haha..troll..copya pa more.

Reply
gwapo
6/20/2018 04:42:22 am

Anong kalokohan to!?

Reply
Pssttwampybbb
10/7/2019 07:59:18 am

bat ganuun iba kwento ng banghay hasytt hahaha pero ty

Reply
11/29/2019 09:52:18 pm

Sino po ang tagapagsalaysay sa kwentong ito?

Reply
Animeeee
9/18/2020 02:39:54 am

This is from batch 2020 G9 students good luck HAHHAHA

Reply
11/5/2020 04:48:44 am

Grade 8 po ako🙄

Reply
The Sorcerer
4/19/2021 03:53:32 pm

Bilang kritisismo sa akda, ito ay hindi napapanahon at walang kwentang obra maestra. Gumamit ang may akda ng malalim na salitang hindi nakaukit sa bukabularyo ng iilan sa mga mag aaral at ito ay nagbigay init sa aking ulo. Imagine, mga mga salitang hindi mahanap sa dictionary at kahit google hindi ka masagot.

Reply
Paepal
9/23/2022 05:38:31 am

Ang panitikang ito ay maikling Kwento na pinamagatang "Suyuan sa Tubigan" ngunit ibang Kwento ang nakapaloob sa ikaapat na numero (4. Tauhan) ang simula hanggang wakas ay kwentong pinamagatang " Sandaang damit" kung hindi ako nagkakamali. Kaya wag copy paste ng copy paste be wagkangtanga

Reply
Shin hatdog
1/11/2023 05:11:02 pm

tyyyy^^ dwaw

Reply
Qqqqq
3/12/2024 05:01:41 am

Iba ang banghay phuta

Reply



Leave a Reply.