“It’s more fun in the Philippines”, ito ang bagong slogan inilunsad ng Department of Tourism ng Pilipinas na talaga namang totoo. Ang slogan na ito ay simple lamang pero nakakaakit sa mga nakakabasa at isang makapangyarihang paraan para tumaas ang turismo ng bansa. Ito ay hindi lamang ginawa para ipakita ang magagandang lugar na makikita rito sa Pilipinas, kundi para mas ipakita at ipakilala ang mga destinasyong wala ang iba at iba pang masasayang karanasan na ang mga Pilipino lang ang makakapagbigay. Mula sa mga magaganda at makasaysayang lugar, makapigil-hiningang mga tanawin, mga masasarap na pagkain at lalo na ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga turistang pumupunta sa Pilipinas.

                Ang Pilipinas ay mayaman sa mga yamang tubig, lupa, gubat at mineral dahil sa maraming likas na yaman dito. At kung maraming likas na yaman, maraming mga magagandang tanawin. Isa ito sa mga binabalik-balikan ng mga turista. Tulad ng mga destinasyong Banaue Rice Terraces, Boracay Beach, Cagayan River, lalo na ang Puerto Prinsesa Underground River na kasama sa 7 Wonders of the World at iba pa. Gustong-gusto ng mga turista ang mga magagandang lugar lalo na iyong pwede kang magkaroon ng magandang karanasan tulad ng sa Cagayan River dahil sa pwede kang mag-river rafting dito at sa Underground River ng Puerto Prinsesa dahil pwede kang makapasok rito. Hindi lang mga magagandang tanwin ang binabalik-balikan ng turista, pati na rin ang mga makasaysayang lugar at bagay rito sa Pilipinas. Dahil sa mayaman na kasaysayan ng Pilipinas, gusto ng mga turista na makita ang mga pruweba nito. Ang ilan sa mga ito ay ang Intramuros, Luneta Park, Corrigidor, Magellan’s Cross at ilang mga simbahan na itinayo ng mga Espanyol tulad ng simbahan ng San Agustin at Manila Cathedral.

                Kung may mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar, meron din mga masasarap na pagkaing talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy. Ang mga Pilipino ay mahilig kumain at sabi nga nila ay hindi ka tunay na Pilipino kung walang extra rice, kaya isa sa mga unang ipinapakilala ng mga Pilipino ay ang sarili nating mga pagkain tulad ng adobo, mechado, kaldereta, afritada, sinaing na galunggong, lechong manok at baboy, sinigang na bangus o baboy, dinuguan, ang paborito kong kare-kare, pinakbet, laing, ginataang kalabasa o langka at marami pang putaheng Pinoy. At mas lalong sumasarap ang mga ito kapag mga Pilipino ang naghahain.

                Ang mga Pilipino ay natural na mainit ang pagtanggap sa mga tao at likas na masayahin. Na isa rin sa mga nakakaapekto sa pagdami ng mga turistang pumupunta rito sa Pilipinas. Nagugustuhan kasi nila ang maayos na pagtrato ng mga Pilipino sa ganitong pamamaraan. Hindi tulad ng mga Amerikano at mga Europeyo, ang mga Asyano ay likas na kalmado lalo na sa rehiyong Silangan at Timog-Silangang Asya. Bagamat nagkaroon ng Civil Wars sa Timog Kanlurang Asya, ang mga tao rito ay kalmado rin kaso nga lang ay hindi nila nagawang idaan sa mabuting usapan ang kanilang problema. Kaya ang ibang mga turista ay nagpapabalik-balik sa Pilipinas dahil dito.


496 words
Dianne Milioga

 


Comments

jeah guerra
09/16/2014 5:47am

ang its more fun in the philippines ay hindi lamang isang titulo. ngunit isang salitang kapani paniwala at maraming dahilang nagpapatunay dito. tunay ngang kahanga hanga ang pilipinas sa ibat ibang paraan. maganda ang pagpopromote na ito upang makilala ng ibang bansa ang ganda na meron tayo :))))))

Reply
gerard collin
09/16/2014 5:52am

tama ka dyan :)) siguradong sa pamamagitan ng promotion na yan maraming turistang maeengayjeahguerra18@yahoo.comumunta sa ating bansa!!

Reply
jeahguerra
09/16/2014 5:56am

kaya nga mas dapat na alagaan natin ang mga likas na yaman dahil hindi habambuhay mapapanatili ang ganda na nakikita natin ngayon :)))




Leave a Reply